Monday, April 14, 2008

Tungkol sa Yasmin at Sigarilyo

Ito ay tungkol sa birth control at di tungkol sa artista.

Ate Marimar,
you know the pill yasmin??
kc i stopped using it...tapos gsto nila gumamit ako ulit nun...kaso ayoko..anyway wala akong choice..pero alam mo ba ung mga side effects nya??

may alam ka din bang BC na cgurado na d ako mabubuntis?? aside from pills, injectibles,condoms??

ung cgurado ha...tska panu??

anyway im asking u this kc ang sakit ng ulo ko ngaun.. and i just start using the pill, tapos the very 1st time i used the pill (lastyear) nag vovomit ako tuwing madaling araw tapos ganito din sumasakit ung ulo ko at kinakapos ako sa pag hinga ko...nga pala dba masama daw magpills ung smoker??

Yasmin Pill User


Mahal kong Yasmin,
Nakakabagabyag ang iyong katanungan, sapagkat ang paggamit ng pills araw araw ng isang smoker ay nagpapataas ng tyansang ikaw ay magkaroon ng heart attack. Dahil ang ay isang uri ng pill, wag gumamit nito kung ikaw ay malakas manigarilyo, dahil ito ay nagiging sanhi din ng alta-presyon, stroke at heart attack. Kumpara sa ibang pills, mas mababa daw insidence ng side effects with
Ang alam kong pinaka epektibong paraan ng birth control ay ang calendar method. Medyo mabusisi, ngunit kung alam mo na iyong rhythm, ito ay siguradong mabisa. Me mga ibang paraan naman ng pakikipagniig ng di kinakailangan ipasok ang notes sa keps. Mag experiment.

Nawa'y ikaw ay naliwananagan. Sikaping itigil ang paninigarilyo habang maaga, kahit di ka nag pipills ang paninigarilyo ay nakamamatay.

Nagmamahal kahit sa buntis,
Marimar

No comments:

Mahal kong mambabasa,

Tuloy po kayo sa aking internet! Ang nilalaman ng blog na ito ay pag-aari ko po. Wag nyo po itong i-pirata. Di naman sya kapira-pirata anoh. Krimen po ang pag pirata. Nawa'y lumigaya ka sa pag parito mo rito. Salamat sa pagbisita!

Nagmamahal dahil di pirata,
Marimar