Friday, April 18, 2008

Sex at Tae

Marimar,

Ako Po Ay Minsan Nahihiya Makipag Sex...
Sa Kadahilanang D Ko Po Alam...
Minsan Po Habang Naki2pagsex Ako Namumula Ako At Hindi Ko Maintindihan Ang Gagawin Ko... Para Akong Kinikilig Na Naiihi....

PAHABOL PO,
At Ano Po Bang Gagawin Ko Kung Sakaling Matae Ako Sa Malalayong Byahe...
Ka2lad Ng Mula Manila Hanggang Baguio...
Papaano Po Iyon Kung Sa Gitna Ng Aming Byahe Matae Ako...
At Nagkataong Sa Palayan Pa??
Papaano Po Ito...

Maraming Salamat...
Virgo89



Mahal kong Virgin89,
Ang sitwasyong iyong inilarawan ay hindi kahihiyan. Nangangahulugan lamang na malapit ka ng usbaan. Kung di mo nais magkaanak ay hugutin ay iyong nota at iputok sa labas o kayay magsuot ng gomang kulay pink, pde rin ang pusya. Kung vaklush ang iyong kaniig, wag ng matakot sapagkat kahit anong butas ang iyong pasukin ay di ka magkakaanak. Naknak pde pa, pag me sakit ang vaklang peryang iyong kaniig.

Simple ang iyong pangalawang katanungan. Ang una mong dapat gawin ay iwasan ang ganitong sitwasyon sapagkat di lamang mabaho, ito ay tunay na nakakahiya. Kung ikaw ay isa hanggang 5 taong gulang, ay okay lang.

Paraan ng pag iwas:
Tumae bago bumiyahe.
Kung di matae, uminom muna ng kape. Pag di pa rin matae, uminom ng imodium bago bumiyahe.
Wag kumain bago bumiyahe.

Kung sadyang di maiwasan at talagang ernang erna ka na, sundan ang mga sumunod:
Sabihing iihi ka. Bumaba ng sasakyan at umarteng parang babae. Maghanap ng tagong lugar. At duon tumae. Gumamit ng tissue. Kung nalimutan ang tisyu sa taranta, gumamit ng dahon. Pag wala ng dahon, gumamit ng resibo. Kugn walang resibo, ikaskas ang pwet sa lupa na parang aso.
Kung ikaw ay natae sa iyong underwear, sabihin sa mga kasama na nais mong i-sarbey ang lugar at magpaiwan. Mag commute na lang papunta sa iyong destinasyon.

Nawa'y nadagdagan ang iyong kaalaman tungkol sa tae at sex.

Nagmamahal sapagkat ako ay maganda,
Marimar

Wednesday, April 16, 2008

Pimple Control

Dear Marimar,
simple lang po tanong ko.
ano po bang madaling pangtanggal ng pimples? parang di naman gumagana ung mga facial cleansers sa akeng balat.salamat po
Jose

Mahal kong Jose,

Ang taghiyawat ay tunay na nakakasira ng itsura natin. Sayang at bahagyang may itsura ka (wag lumaki ang ulo, dahil di ka kagwapuhan, bahagya lang.)

Unang una, tukuyin natin ang sanhi ng taghiyawat:
Ang taghiyawat ay impeksyon ng balat. Nagkakaimpeksyon dahil ito ay may bacteria na nananatili sa ating balat. Lalong lalala ito kung ang mukha mo ay mamantika, sapagkat nagsisilbing tirahan ito ng mga bacteriang tulad ng ilang politicians natin. Ang natural na oil sa balat ay nanggagaling sa mga maliliit na butas o pores. Dahil dito, pwedeng ma trap ang mga bacteria at dumi sa pores na ito. Mamamaga habang dumadami sila. Ang katawan natin ay magpapadala ng mga white blood cells upang patayin ang bacteria, kaya ito nagnanaknak.

Ngayong alam na natin ang sanhi ng taghiyawat, ang dapat gawin ay iwasan ito. Ito ang pwede mong gawin:
Maghilamos ng 2 beses kada araw. Mas marami kung ikaw ay nagmamantika o kung di ka naliligo araw araw. Wag gumamit ng basta-bastang sabon o perla (maganda ang perla sa mga sobrang mamantika pero ito ay nakaka dry at medyo harsh para sa balat.) Mainam ang mga germicidal soap tulad ng (dapat akong bayaran ng .)
Huwag mag pupuyat dahil ito ay nagdudulot ng , kungdi maiiwasan ay maghilamos ng paulit ulit.
Uminom ng maraming tubig. Sikapin ang 10 baso kada araw.

Kung sadyang malapitin ka ng bacteria:
Gumamit ng anti-bacterial ointment. Mabisa ang (dapat akong bayaran ng ). Gamitin ito matapos malinisan ang mukha. Manipis lang ang kinakailangan nito at hindi makapal. Tandaan na ito ay sugat at di dapat makulob.

Ang pa fafacial ay isang magandang paraan upang malinisan ang ating mga pores. Siguruhin lamang na pumunta sa isang facial center na malinis at sigurado. Hindi totoo na pag nagpa facial ay biglang maglalabasan ang taghiyawat. Hindi ito nakatago sa iyong mukha na bigla na lamang lalabas. Wag maniwala sa mga sabi-sabi. Tulad ng nasabi ko, ito ay sanhi ng dumi, bacteria na nagdudulot ng impeksyon.

Nawa'y kuminis ang iyong mukha.

Nagmamahal dahil likas na makinis,
Marimar

Tuesday, April 15, 2008

Breaking Up

Dear Marimar,
paanu po ba mkkpag hwlay sa taong ka relasyon mo pero ayaw mo siyang masaktan pero ayaw mo na rn sa kanya?
Juan


Mahal kong Juan,
Napakahirap makipagbreak. At di kita matutulungan maige, ngunit sundin mo ang mga sumusunod na payo.

1. Maging totoo ka. Pag napagpasyahang makikipagbreak ka na, maging matigas at magpakatotoo ka. Huwag magsinungaling.
2. Gawin ito agad at wag ng patagalin.
3. Gawin ito ng personal at wag idaan sa text, telepono, telegrama o sa sulat. Huwag na huwag ding ipapasabi sa mga kaibigan. Ito ay nakakabastos.
4. Huwag ungkatin ang mga masasamang karanasan, sa halip ay banggitin ang mga masasayang nangyari. Ngunit, wag maging over, baka di na kayo maghiwalay nyan. Sikaping i-explain kung bakit ayaw mo na sa relasyon. Huwag manunumbat.
5. Pagkatapos makipagbreak up, iwasang kontakin siya. Iwasan din ang makipag niig habang nakikipagbreak, o matapos makipagbreak. Maghanap ng iba.

Nawa'y natulungan kitang saktan ang iyong girlfriend.

Nagmamahal dahil may ningning,
Marimar

Otokis at Babae

Ang ating sunod na bibigyan ng payo ay mula kay HotGuy101 tungkol sa mga babae.

oi vaklah!

paano masasabi ng otokis na may gusto sa kanya ang babae?

paano rin malalaman ng otokis na gusto na syang lafangahin ng chick?

HotGuy101


Mahal kong HotGuy101,

Iba iba ang ugali ng mga babae. Ang sekreto dyan ay alamin ang babae sa pamamaraaan ng pagkilos nya.

Kilalanin sila:
Babaeng makipot - ang mga tipo ng ganitong babae ay madalas na pangit, may bad breath, may tinatagong bakokang, o kaya'y madre. Malalaman mo na may gusto sila sayo pag madalas ka nilang titigan, ngunit iaalis ang tingin sa oras na tignan mo sila, at silay's biglang mamumula. Madalas nilang ilalayo ang sarili nila sayo, na parang iniiwasan ka. Ang mga ganitong babae ay kadalasang virgin, at di mo malalaman na gusto ka nilang lafangin. Dahil nga birhen at tatanga tanga, kakailanganing gabayan sa pamamaraan ng pakikipagtalik.

Babaeng pakipot - ang mga babaeng nag aasam maging makipot, ngunit sadyang maluwag na. Ang kanilang mga kilos ay kahintulad ng mga babaeng makipot, ngunit me mga maliliit na pagkakaiba. Imbes na iwasan ka ay lalapit sayo ngunit di masyadong ipahahalata. Pag nahuli mong tinititigan ka, biglang ilalayo ang tingin, ngunit di sila mamumula, sa halip ay hahagikhik na parang intsik habang tinatakpan ang mga bunganga upang di mahalatang maluwag na ito. Ang mga babaeng ito ay di na kailangang gabayan sa pakikipagtalik, ngunit, kwidaw, sapagkat magpapanggap na di marunong. Dahil nga nais nilang mag mukhang makipot.

Babaeng banak - di mo na kailangang i-decode ang ugali, sapagkat sila na mismo ang lalapit upang magpakangkang. Lasingin maige upang lalong maging wild.

Babaeng bato - kakaiba ang mga babaeng ito. Ito ang pinakamahirap alamin kung natitipuhan nya ang isang lalaki. Tomboyin ang dating, dahil nais nilang mag mukhang malakas. Ipinapakita nila na hindi nila kailangang magpaganda upang mang akit ng lalaki. Kadalasan, mga totoong tomboy ang naaakit nila.

Babaeng pambayan - ang mga babaeng ito ay parang mga banak, ngunit di sila ang lalapit at magpapakita ng interes. Papatulan nito kahit sino, lalo na kung lasing.

Babaeng - minsan ay tinatawag na wambra, sapagkat madalas na walang bra. Katulad sila ng mga babaeng pambayan, ngunit mas malawak ang kanilang teritoryo. Tinatawag na babaeng panguniverse kung minsan. Di lang nya papatulan kahit sino, ngunit ito ay maghahanap pa ng ibang kaniig matapos makipag niig. Mahina ang 3 lalake kada gabi.

Nawa'y naliwanagan ka.

Nagmamahal dahil babae,
Marimar

Monday, April 14, 2008

Tungkol sa Yasmin at Sigarilyo

Ito ay tungkol sa birth control at di tungkol sa artista.

Ate Marimar,
you know the pill yasmin??
kc i stopped using it...tapos gsto nila gumamit ako ulit nun...kaso ayoko..anyway wala akong choice..pero alam mo ba ung mga side effects nya??

may alam ka din bang BC na cgurado na d ako mabubuntis?? aside from pills, injectibles,condoms??

ung cgurado ha...tska panu??

anyway im asking u this kc ang sakit ng ulo ko ngaun.. and i just start using the pill, tapos the very 1st time i used the pill (lastyear) nag vovomit ako tuwing madaling araw tapos ganito din sumasakit ung ulo ko at kinakapos ako sa pag hinga ko...nga pala dba masama daw magpills ung smoker??

Yasmin Pill User


Mahal kong Yasmin,
Nakakabagabyag ang iyong katanungan, sapagkat ang paggamit ng pills araw araw ng isang smoker ay nagpapataas ng tyansang ikaw ay magkaroon ng heart attack. Dahil ang ay isang uri ng pill, wag gumamit nito kung ikaw ay malakas manigarilyo, dahil ito ay nagiging sanhi din ng alta-presyon, stroke at heart attack. Kumpara sa ibang pills, mas mababa daw insidence ng side effects with
Ang alam kong pinaka epektibong paraan ng birth control ay ang calendar method. Medyo mabusisi, ngunit kung alam mo na iyong rhythm, ito ay siguradong mabisa. Me mga ibang paraan naman ng pakikipagniig ng di kinakailangan ipasok ang notes sa keps. Mag experiment.

Nawa'y ikaw ay naliwananagan. Sikaping itigil ang paninigarilyo habang maaga, kahit di ka nag pipills ang paninigarilyo ay nakamamatay.

Nagmamahal kahit sa buntis,
Marimar

Mahirap na sitwasyon ng mga lalaki

Ang susunod na entry ay di nararapat sa mga menor-de-edad. Patnubay ng magulang na responsable ay kelangan.

dear magandang marimar,

panu ang magandang gawin para hindi mahalatang tinigasan ka habang papasok sa loob ng school. may mga time kasi na may mga careless na magagandang babae sa jeep na nakakatigas.

di tuloy malaman kung pano ang gagawin para walang makapansin habang naglalakad, may technique ka ba kung pano bigla mawala ang errection pag kelangan na?
Boy Tigasin

Mahal kong boy,

May madaling solusyon upang mawala ang iyong erection. Pumunta sa aking parlor at ako ang bahala sayo. Bibigyan pa kita ng baon mo sa eskwela.

Kung nasa malayo ka naman, eto ang maipapayo ko:
-Wag kang masyadong malibog. Fota ka.
-Iwasang mamboso. Manyak kang tunay.
-Mag jogging papuntang eskwela. Siguraduhing nag tawas ka.
-Mag taxi papuntang eskwela.
-Mag paraos bago pumasok.
-Iwasang mag suot ng masikip na pantalon.

Kung nagawa mo na ito at ika'y tinitigasan pa rin, sadyang malibog at manyak ka. Eto ang iyong gawin.
-Butasan ang bulsa ng pantalon. Pag tumindig ang iyong baril-barilan, ipasok ang kamay sa bulsa, at ikambyo pataas. Kung sobrang laki ng iyong pagkalalaki, maglabas ng libro at itakip ito sa iyong harapan.

Nawa'y naliwanagan ang iyong isip na puno ng kabastusan at kamanyakan.

Nagmamahal dahil matigas ka,
Marimar

Split Ends at Eye Bags

Ang ating unang email sender ay si Selya (di tunay na pangalan). Eto ang kanyang e-liham.

Dear Marimar,
I have long black hair the problem is... "Split ends" (definitely hate it)
The only solution I know is to cut it bout an inch
The problem is.... I don’t want to cut my hair.
Do you have any other solutions for this?

One more thing... do you have any cure for eye bugs?
Selya (di tunay na pangalan)

Mahal kong Selya (di tunay na pangalan),
Walang hair product na nagcucure ng split ends. Ang tanging solusyon dyan ay pagupitan mo. Di ko alam ang itsura ng pagmumukha mo, kaya wala akong ma i-suggest na gupit. Pero, sa pakiramdam ko ay babagay sayo ang layered. Pag wala ka ng split ends, matuto kang maligo. Siguraduhing mag conditioner pagkatapos mag shampoo. Gumamit ng shampoo at conditioner na naaayon sa klase ng buhok mo, kung ito ay dry, gumamit ng for dry hair, kung oily, gumamit ng pang oily hairy. Pero sa tingin ko dry ang iyong hair.

Eto pa ang ibang paraan upang maiwasan ang split ends:
-Iwasang mag blow dry.
-Iwasan ang matagal na nakatutuok sa araw, bukod sa split ends, magiging BOLD ka pa. Kungdi maiiwasan, gumamit ng sumbrero para sa buhok at maskara para sa mukha.
-Wag gagamit ng alcohol-based hair products, ito ay nakaka dry ng hair.
-Pinapayo ko na wag shampuhin ang buhok araw-araw, 3-4 na beses kada linggo ay sapat na. Kung madalas kang pawisan dahil construction worker ka, dapat kang mag shampoo araw-araw. Gumamit ng mild shampoo. Mag deep conditioning o kayay magpa hot oil isang beses kada buwan.
-Wag suklayin ang buhok pag basa. Kungdi maiiwasan, gumamit ng suklay na bungal o kaya'y malalawak ang pagitan ng mga ipin.
-Maaari ka ring bumili ng hair product na nag prorotekta ng buhok sa sun damage. Ito ay leave-on kaya wag banlawan. Matutong magbasa ng instructions sa bote.


Ang pag iwas sa eye bags ang importante. Ngunit dahil me eyebags ka na, eto ang mga paraan upang ito ay paliitin:
-Gumamit ng cucumber at ipatong sa mata. Ito ay mag rerefresh ng iyong mga mata.
-Iwasan ang maglagay ng napakaraming eyebag removal cream. Maghanap ng bagay sa balat mo at yun lang ang gamitin mo.
-Piliting uminom ng sampung(10) basong tubig araw-araw. Mas marami kung summer o kung pawis ang kili kili mo. Maganda ito sa balat at sa sirkulasyon ng dugo mong berde.
-Alamin ang kailangang oras ng iyong tulog. Di lahat ng tao ay kailangan ng 8 oras upang matulog. Me iba na 6, o 10 ang kailangan. Ang payo ko ay 8 oras.
-Sikapin matulog at magising ng parehong oras kada araw.
-Iwasang mag puyat ng di kinakailangan.

Pansamantala, kung mukha ka na talagang bulldog, gumamit ng concealer na kakulay ng iyong balat. Patungan ito ng manipis na layer ng polbos.

Kung ang eyebags mo naman ay sakop na ang buo mong nukha at di mo na alam kung asan ang iyong ilong, magpakonsulta sa doktor at magpa eyebag removal surgery.

Nagmamahal sapagkat walang eyebags,
Marimar

Ang Umpisa

Mahal kong mambabasa,

Ito ang start!
Nakakaloka na talaga ang panahon ngayon. Noong unang panahon sa pamamaraan ng koreo tayo nakakapagusap - araw kungdi linggo bago ito matanggap. Napalitan ito ng 'text'-version sa pamamagitan ng telegrama. At napalitan ito ng telepono, hanggang sa pag dating ng cellphones at email. Iisa lamang ang hangarin ng mga ito, ang mai-share ang ating sinasaloob. Maaaring tsismis, balitang tunay, imbitasyon, at kung ano ano pa. Ngunit paano man ang pamamaraan, ano man ang nilalaman, gaano man katagal bago ito matanggap, hindi maikakaila na lahat tayo ay naghahangad ng koneksyon sa ibang tao. At ito ang aking hangarin, ang makipag konek sa lahat ng aking mahal na mambabasa sa pamamagitan ng pagbigay ng payo, liwanag at ligaya.

PS: Ang mga susunod na entries ay galing sa dati kong internet forum na Elite Alpha - isa itong gaming forum ng aking kaibigan. Itatago ko nga lang ang kanilang mga pangalan para sa kadahilanang alam nyo na. Kung meron kayong nais sabihin, ihingi ng payo o kahit na ano, maaari nyo akong i-email sa askmarimar@gmail.com. Itatago ko ang inyong identity hanggat sabihin nyo sa akin na ipost ko ito. Salamat!

Nagmamahal mula umpisa,
Marimar

Mahal kong mambabasa,

Tuloy po kayo sa aking internet! Ang nilalaman ng blog na ito ay pag-aari ko po. Wag nyo po itong i-pirata. Di naman sya kapira-pirata anoh. Krimen po ang pag pirata. Nawa'y lumigaya ka sa pag parito mo rito. Salamat sa pagbisita!

Nagmamahal dahil di pirata,
Marimar