Wednesday, April 16, 2008

Pimple Control

Dear Marimar,
simple lang po tanong ko.
ano po bang madaling pangtanggal ng pimples? parang di naman gumagana ung mga facial cleansers sa akeng balat.salamat po
Jose

Mahal kong Jose,

Ang taghiyawat ay tunay na nakakasira ng itsura natin. Sayang at bahagyang may itsura ka (wag lumaki ang ulo, dahil di ka kagwapuhan, bahagya lang.)

Unang una, tukuyin natin ang sanhi ng taghiyawat:
Ang taghiyawat ay impeksyon ng balat. Nagkakaimpeksyon dahil ito ay may bacteria na nananatili sa ating balat. Lalong lalala ito kung ang mukha mo ay mamantika, sapagkat nagsisilbing tirahan ito ng mga bacteriang tulad ng ilang politicians natin. Ang natural na oil sa balat ay nanggagaling sa mga maliliit na butas o pores. Dahil dito, pwedeng ma trap ang mga bacteria at dumi sa pores na ito. Mamamaga habang dumadami sila. Ang katawan natin ay magpapadala ng mga white blood cells upang patayin ang bacteria, kaya ito nagnanaknak.

Ngayong alam na natin ang sanhi ng taghiyawat, ang dapat gawin ay iwasan ito. Ito ang pwede mong gawin:
Maghilamos ng 2 beses kada araw. Mas marami kung ikaw ay nagmamantika o kung di ka naliligo araw araw. Wag gumamit ng basta-bastang sabon o perla (maganda ang perla sa mga sobrang mamantika pero ito ay nakaka dry at medyo harsh para sa balat.) Mainam ang mga germicidal soap tulad ng (dapat akong bayaran ng .)
Huwag mag pupuyat dahil ito ay nagdudulot ng , kungdi maiiwasan ay maghilamos ng paulit ulit.
Uminom ng maraming tubig. Sikapin ang 10 baso kada araw.

Kung sadyang malapitin ka ng bacteria:
Gumamit ng anti-bacterial ointment. Mabisa ang (dapat akong bayaran ng ). Gamitin ito matapos malinisan ang mukha. Manipis lang ang kinakailangan nito at hindi makapal. Tandaan na ito ay sugat at di dapat makulob.

Ang pa fafacial ay isang magandang paraan upang malinisan ang ating mga pores. Siguruhin lamang na pumunta sa isang facial center na malinis at sigurado. Hindi totoo na pag nagpa facial ay biglang maglalabasan ang taghiyawat. Hindi ito nakatago sa iyong mukha na bigla na lamang lalabas. Wag maniwala sa mga sabi-sabi. Tulad ng nasabi ko, ito ay sanhi ng dumi, bacteria na nagdudulot ng impeksyon.

Nawa'y kuminis ang iyong mukha.

Nagmamahal dahil likas na makinis,
Marimar

No comments:

Mahal kong mambabasa,

Tuloy po kayo sa aking internet! Ang nilalaman ng blog na ito ay pag-aari ko po. Wag nyo po itong i-pirata. Di naman sya kapira-pirata anoh. Krimen po ang pag pirata. Nawa'y lumigaya ka sa pag parito mo rito. Salamat sa pagbisita!

Nagmamahal dahil di pirata,
Marimar