Monday, April 14, 2008

Ang Umpisa

Mahal kong mambabasa,

Ito ang start!
Nakakaloka na talaga ang panahon ngayon. Noong unang panahon sa pamamaraan ng koreo tayo nakakapagusap - araw kungdi linggo bago ito matanggap. Napalitan ito ng 'text'-version sa pamamagitan ng telegrama. At napalitan ito ng telepono, hanggang sa pag dating ng cellphones at email. Iisa lamang ang hangarin ng mga ito, ang mai-share ang ating sinasaloob. Maaaring tsismis, balitang tunay, imbitasyon, at kung ano ano pa. Ngunit paano man ang pamamaraan, ano man ang nilalaman, gaano man katagal bago ito matanggap, hindi maikakaila na lahat tayo ay naghahangad ng koneksyon sa ibang tao. At ito ang aking hangarin, ang makipag konek sa lahat ng aking mahal na mambabasa sa pamamagitan ng pagbigay ng payo, liwanag at ligaya.

PS: Ang mga susunod na entries ay galing sa dati kong internet forum na Elite Alpha - isa itong gaming forum ng aking kaibigan. Itatago ko nga lang ang kanilang mga pangalan para sa kadahilanang alam nyo na. Kung meron kayong nais sabihin, ihingi ng payo o kahit na ano, maaari nyo akong i-email sa askmarimar@gmail.com. Itatago ko ang inyong identity hanggat sabihin nyo sa akin na ipost ko ito. Salamat!

Nagmamahal mula umpisa,
Marimar

No comments:

Mahal kong mambabasa,

Tuloy po kayo sa aking internet! Ang nilalaman ng blog na ito ay pag-aari ko po. Wag nyo po itong i-pirata. Di naman sya kapira-pirata anoh. Krimen po ang pag pirata. Nawa'y lumigaya ka sa pag parito mo rito. Salamat sa pagbisita!

Nagmamahal dahil di pirata,
Marimar