Monday, April 14, 2008

Split Ends at Eye Bags

Ang ating unang email sender ay si Selya (di tunay na pangalan). Eto ang kanyang e-liham.

Dear Marimar,
I have long black hair the problem is... "Split ends" (definitely hate it)
The only solution I know is to cut it bout an inch
The problem is.... I don’t want to cut my hair.
Do you have any other solutions for this?

One more thing... do you have any cure for eye bugs?
Selya (di tunay na pangalan)

Mahal kong Selya (di tunay na pangalan),
Walang hair product na nagcucure ng split ends. Ang tanging solusyon dyan ay pagupitan mo. Di ko alam ang itsura ng pagmumukha mo, kaya wala akong ma i-suggest na gupit. Pero, sa pakiramdam ko ay babagay sayo ang layered. Pag wala ka ng split ends, matuto kang maligo. Siguraduhing mag conditioner pagkatapos mag shampoo. Gumamit ng shampoo at conditioner na naaayon sa klase ng buhok mo, kung ito ay dry, gumamit ng for dry hair, kung oily, gumamit ng pang oily hairy. Pero sa tingin ko dry ang iyong hair.

Eto pa ang ibang paraan upang maiwasan ang split ends:
-Iwasang mag blow dry.
-Iwasan ang matagal na nakatutuok sa araw, bukod sa split ends, magiging BOLD ka pa. Kungdi maiiwasan, gumamit ng sumbrero para sa buhok at maskara para sa mukha.
-Wag gagamit ng alcohol-based hair products, ito ay nakaka dry ng hair.
-Pinapayo ko na wag shampuhin ang buhok araw-araw, 3-4 na beses kada linggo ay sapat na. Kung madalas kang pawisan dahil construction worker ka, dapat kang mag shampoo araw-araw. Gumamit ng mild shampoo. Mag deep conditioning o kayay magpa hot oil isang beses kada buwan.
-Wag suklayin ang buhok pag basa. Kungdi maiiwasan, gumamit ng suklay na bungal o kaya'y malalawak ang pagitan ng mga ipin.
-Maaari ka ring bumili ng hair product na nag prorotekta ng buhok sa sun damage. Ito ay leave-on kaya wag banlawan. Matutong magbasa ng instructions sa bote.


Ang pag iwas sa eye bags ang importante. Ngunit dahil me eyebags ka na, eto ang mga paraan upang ito ay paliitin:
-Gumamit ng cucumber at ipatong sa mata. Ito ay mag rerefresh ng iyong mga mata.
-Iwasan ang maglagay ng napakaraming eyebag removal cream. Maghanap ng bagay sa balat mo at yun lang ang gamitin mo.
-Piliting uminom ng sampung(10) basong tubig araw-araw. Mas marami kung summer o kung pawis ang kili kili mo. Maganda ito sa balat at sa sirkulasyon ng dugo mong berde.
-Alamin ang kailangang oras ng iyong tulog. Di lahat ng tao ay kailangan ng 8 oras upang matulog. Me iba na 6, o 10 ang kailangan. Ang payo ko ay 8 oras.
-Sikapin matulog at magising ng parehong oras kada araw.
-Iwasang mag puyat ng di kinakailangan.

Pansamantala, kung mukha ka na talagang bulldog, gumamit ng concealer na kakulay ng iyong balat. Patungan ito ng manipis na layer ng polbos.

Kung ang eyebags mo naman ay sakop na ang buo mong nukha at di mo na alam kung asan ang iyong ilong, magpakonsulta sa doktor at magpa eyebag removal surgery.

Nagmamahal sapagkat walang eyebags,
Marimar

No comments:

Mahal kong mambabasa,

Tuloy po kayo sa aking internet! Ang nilalaman ng blog na ito ay pag-aari ko po. Wag nyo po itong i-pirata. Di naman sya kapira-pirata anoh. Krimen po ang pag pirata. Nawa'y lumigaya ka sa pag parito mo rito. Salamat sa pagbisita!

Nagmamahal dahil di pirata,
Marimar