Monday, April 14, 2008

Mahirap na sitwasyon ng mga lalaki

Ang susunod na entry ay di nararapat sa mga menor-de-edad. Patnubay ng magulang na responsable ay kelangan.

dear magandang marimar,

panu ang magandang gawin para hindi mahalatang tinigasan ka habang papasok sa loob ng school. may mga time kasi na may mga careless na magagandang babae sa jeep na nakakatigas.

di tuloy malaman kung pano ang gagawin para walang makapansin habang naglalakad, may technique ka ba kung pano bigla mawala ang errection pag kelangan na?
Boy Tigasin

Mahal kong boy,

May madaling solusyon upang mawala ang iyong erection. Pumunta sa aking parlor at ako ang bahala sayo. Bibigyan pa kita ng baon mo sa eskwela.

Kung nasa malayo ka naman, eto ang maipapayo ko:
-Wag kang masyadong malibog. Fota ka.
-Iwasang mamboso. Manyak kang tunay.
-Mag jogging papuntang eskwela. Siguraduhing nag tawas ka.
-Mag taxi papuntang eskwela.
-Mag paraos bago pumasok.
-Iwasang mag suot ng masikip na pantalon.

Kung nagawa mo na ito at ika'y tinitigasan pa rin, sadyang malibog at manyak ka. Eto ang iyong gawin.
-Butasan ang bulsa ng pantalon. Pag tumindig ang iyong baril-barilan, ipasok ang kamay sa bulsa, at ikambyo pataas. Kung sobrang laki ng iyong pagkalalaki, maglabas ng libro at itakip ito sa iyong harapan.

Nawa'y naliwanagan ang iyong isip na puno ng kabastusan at kamanyakan.

Nagmamahal dahil matigas ka,
Marimar

No comments:

Mahal kong mambabasa,

Tuloy po kayo sa aking internet! Ang nilalaman ng blog na ito ay pag-aari ko po. Wag nyo po itong i-pirata. Di naman sya kapira-pirata anoh. Krimen po ang pag pirata. Nawa'y lumigaya ka sa pag parito mo rito. Salamat sa pagbisita!

Nagmamahal dahil di pirata,
Marimar