Tuesday, April 15, 2008

Breaking Up

Dear Marimar,
paanu po ba mkkpag hwlay sa taong ka relasyon mo pero ayaw mo siyang masaktan pero ayaw mo na rn sa kanya?
Juan


Mahal kong Juan,
Napakahirap makipagbreak. At di kita matutulungan maige, ngunit sundin mo ang mga sumusunod na payo.

1. Maging totoo ka. Pag napagpasyahang makikipagbreak ka na, maging matigas at magpakatotoo ka. Huwag magsinungaling.
2. Gawin ito agad at wag ng patagalin.
3. Gawin ito ng personal at wag idaan sa text, telepono, telegrama o sa sulat. Huwag na huwag ding ipapasabi sa mga kaibigan. Ito ay nakakabastos.
4. Huwag ungkatin ang mga masasamang karanasan, sa halip ay banggitin ang mga masasayang nangyari. Ngunit, wag maging over, baka di na kayo maghiwalay nyan. Sikaping i-explain kung bakit ayaw mo na sa relasyon. Huwag manunumbat.
5. Pagkatapos makipagbreak up, iwasang kontakin siya. Iwasan din ang makipag niig habang nakikipagbreak, o matapos makipagbreak. Maghanap ng iba.

Nawa'y natulungan kitang saktan ang iyong girlfriend.

Nagmamahal dahil may ningning,
Marimar

No comments:

Mahal kong mambabasa,

Tuloy po kayo sa aking internet! Ang nilalaman ng blog na ito ay pag-aari ko po. Wag nyo po itong i-pirata. Di naman sya kapira-pirata anoh. Krimen po ang pag pirata. Nawa'y lumigaya ka sa pag parito mo rito. Salamat sa pagbisita!

Nagmamahal dahil di pirata,
Marimar