Tuesday, April 15, 2008

Otokis at Babae

Ang ating sunod na bibigyan ng payo ay mula kay HotGuy101 tungkol sa mga babae.

oi vaklah!

paano masasabi ng otokis na may gusto sa kanya ang babae?

paano rin malalaman ng otokis na gusto na syang lafangahin ng chick?

HotGuy101


Mahal kong HotGuy101,

Iba iba ang ugali ng mga babae. Ang sekreto dyan ay alamin ang babae sa pamamaraaan ng pagkilos nya.

Kilalanin sila:
Babaeng makipot - ang mga tipo ng ganitong babae ay madalas na pangit, may bad breath, may tinatagong bakokang, o kaya'y madre. Malalaman mo na may gusto sila sayo pag madalas ka nilang titigan, ngunit iaalis ang tingin sa oras na tignan mo sila, at silay's biglang mamumula. Madalas nilang ilalayo ang sarili nila sayo, na parang iniiwasan ka. Ang mga ganitong babae ay kadalasang virgin, at di mo malalaman na gusto ka nilang lafangin. Dahil nga birhen at tatanga tanga, kakailanganing gabayan sa pamamaraan ng pakikipagtalik.

Babaeng pakipot - ang mga babaeng nag aasam maging makipot, ngunit sadyang maluwag na. Ang kanilang mga kilos ay kahintulad ng mga babaeng makipot, ngunit me mga maliliit na pagkakaiba. Imbes na iwasan ka ay lalapit sayo ngunit di masyadong ipahahalata. Pag nahuli mong tinititigan ka, biglang ilalayo ang tingin, ngunit di sila mamumula, sa halip ay hahagikhik na parang intsik habang tinatakpan ang mga bunganga upang di mahalatang maluwag na ito. Ang mga babaeng ito ay di na kailangang gabayan sa pakikipagtalik, ngunit, kwidaw, sapagkat magpapanggap na di marunong. Dahil nga nais nilang mag mukhang makipot.

Babaeng banak - di mo na kailangang i-decode ang ugali, sapagkat sila na mismo ang lalapit upang magpakangkang. Lasingin maige upang lalong maging wild.

Babaeng bato - kakaiba ang mga babaeng ito. Ito ang pinakamahirap alamin kung natitipuhan nya ang isang lalaki. Tomboyin ang dating, dahil nais nilang mag mukhang malakas. Ipinapakita nila na hindi nila kailangang magpaganda upang mang akit ng lalaki. Kadalasan, mga totoong tomboy ang naaakit nila.

Babaeng pambayan - ang mga babaeng ito ay parang mga banak, ngunit di sila ang lalapit at magpapakita ng interes. Papatulan nito kahit sino, lalo na kung lasing.

Babaeng - minsan ay tinatawag na wambra, sapagkat madalas na walang bra. Katulad sila ng mga babaeng pambayan, ngunit mas malawak ang kanilang teritoryo. Tinatawag na babaeng panguniverse kung minsan. Di lang nya papatulan kahit sino, ngunit ito ay maghahanap pa ng ibang kaniig matapos makipag niig. Mahina ang 3 lalake kada gabi.

Nawa'y naliwanagan ka.

Nagmamahal dahil babae,
Marimar

No comments:

Mahal kong mambabasa,

Tuloy po kayo sa aking internet! Ang nilalaman ng blog na ito ay pag-aari ko po. Wag nyo po itong i-pirata. Di naman sya kapira-pirata anoh. Krimen po ang pag pirata. Nawa'y lumigaya ka sa pag parito mo rito. Salamat sa pagbisita!

Nagmamahal dahil di pirata,
Marimar